Sa iyoy paalam
Bakit ba kailangan na masaktan ang puso kong ito. Sa iyong paglisan hapdi ang syang naramdaman. Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan (hindi na). Dahil ba sa huli na ang lahat sa iyoy paalam.
Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan na ngayon ko lang naramdaman at naranasan. Ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat. Tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo. Bakit kailangang mangyari pa ang mga ganito. Pilit na inaalala mga bagay na nangyari saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari. At naghiwalay tayo na di manlang nagkapagusap. Hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap na lumalabas sa labi mo na gusto kong malaman kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan. Sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran. Bakit kailangan kong masaktan sa iyong paglisan.
Lumipas nga ang panahon at mga sandaling wala ka di na ko umasang babalik ka pa pagkat wala na ngang pagasa kahit na akoy magsisi at lumuha di na mabilang ang tubig na ipinatak sa lupa. Gustuhin ko man na ibalik hindi na maaari pagkat sa puso ko meron na nagmamayari. At alam ko na mahal niya ako. Tiniis ko ang sakit at di na kita pinigilan. Ilang beses kong niloko ang sarili kong ito na kaya kong mabuhay kahit na wala sa piling mo. Ngunit hindi parin sapat ang maging manhid na lang upang itago ang nadarama tuluyang maibsan. Nadama ko na may kulang pa sa king pagtayo. Yun ay di ko maabot dahil sa iyong paglayo. Alam kong di mo na pakikinggan kahit na isigaw. Walang ibang kulang sa buhay ko mahal kundi ikaw.
Bakit kailangang humantong sa hiwalayan ang lahat. Ang nangyari sa relasyon natiy hindi ko matanggap. Hindi ako nagkamali at nagkulang sayo sinta. Ngunit anong isinukli iniwan mong nagiisa.
Naghiwalay tayo na kapwa may samaan ng loob. Bat di man lang ako nakaangat sa aking paglubog. Hanggang sa huling sandali di man lang nakapag paalam. Katagang nais sabihin di ko man lang nabitawan. Na sanay magiingat ka sa lahat ng sandali. Di na ko muling hahabol at magbabakasakali na maibalik ang dati at makapiling sa twina ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pagasa. At hindi talaga tayo ang itinakda kaya ang pagsasama natin ay maagang nagtapos. Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan. Di ko lubos maisip bat ganto ang kapalaran.
Sanay malaman mo na wala na kong ibang inibig kundi ang katulad mo. Ngayon tapos na ang lahat, salamat sapagkat naging bahagi ka ng buhay ko.